TUGUEGARAO CITY- Wala umanong palakasan sa paghiling ng dugo sa Provincial Health Office-Cagayan.

Sinabi ito ni Marilou Bangan ng PHO kaugnay sa mga natatanggap nilang mga kahilingan na reservation lalo na ang mga umano’y may posisyon sa pamahalaan.

Ayon kay Bangan,na hindi sila maaaring mag-reserve ng dugo dahil na nagtatagal lamang ito ng 120 days at marami umano ang nangangailangan ng dugo.

Sinabi pa ni Bangan na hindi rin basta basta ang pagbibigay nila ng dugo sa halip ay kailangan ang blood request form mula sa ospital at pirmado ng duktor ng isang pasyente.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Bangan

Kasabay nito, nilinaw ni Bangan na ang binabayaran ng mga humihiling ng dugo ay hindi para sa dugo kundi para sa screening ng dugo.

muli si Bangan

Idinagdag pa ni Bangan na 80 hanggang 100 units ng dugo ang kailangan ng CVMC araw-araw para matugunan ang pangangailangan sa dugo.