Nanawagan ng kapayapaan sina Pope Francis at ang mga matataas na imam sa Indonesia .
Sa pagbisita ng Santo Papa sa Istiqlal mosque sa Jakarta, pumirma ito ng declaration on religious harmony at environmental protection.
Kasama niya si grand imam Nasaruddin Umar na nagtungo sa Tunnel of Frienship na makikita doon ang mga palatandaan ng pagkakaisa ng ibat’t ibang relihiyon.
Nasa Indonesia ang Santo papa para sa kanyang 11-day visit niya sa rehiyon kung saan sa huling araw nito sa Jakarta ay nagsagawa ito ng misa.