TUGUEGARAO CITY-Mawawala ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino kung tuluyan nang aalisin ang Filipino at Panitikan bilang mandatory subjects sa kolehiyo.

Ito ang naging pahayag ni retired professor Pat Villafuerte ng Philippine normal university kasunod ng pagkatig ng kataas-taasang hukom sa Commission on Higher Education (CHED) sa pagtanggal ng Filipino at panitikan sa kolehiyo.

Ayon kay Villafuerte ,hindi umano sapat na sa elementarya at sekondarya lamang ituturo ang filipino dahil iisang wika lamang ang ginagamit ng bansa.

Aniya, bagamat sinasabing mahusay na sa paggamit ng Filipino ang mga pilipino, hindi umano dahilan para itigil na ang pagtuturo nito ,sa halip ay mas lalo pang paghusayan.

Sinabi ni Villafuerte ang pag-aaral sa wikang filipino ay daan para mas lalo pang makilala ang ating pagkakaisa at hindi hati-hati ang kaisipan, idelohiya at adbokasiya ng mga pilipino.

-- ADVERTISEMENT --