Kasong murder at frustrated murder ang isinampa laban sa itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay kay Barangay chairman Orlino Gannaban ng Lallayug, Tuao, Cagayan.

Kasabay nito, sinabi ni P/Maj. Reymund Asistores, hepe ng PNP-Tuao na tinutugis na ng kapulisan ang hindi muna pinangalanang suspek hanggat hindi lumalabas ang arrest warrant nito.

Ayon kay Asistores, natukoy ang pagkakakilanlan ng primary suspect base sa salaysay ng mga nakasaksi sa pamamaril.

Si Gannaban ay pinagbabaril patay nitong ika- 27 ng Mayo habang pasakay ng kanyang motorsiklo sa harap ng barangay hall.

Sugatan naman ang kanyang tanod na si Espidio Zingapo na nadamay sa pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --