TUGUEGARAO CITY-Itinatag ni Atty Marjorie Chan ang ordinansang naglalayong magkaroon ng human breast milk bank center sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa naging panayam kay Chan, kanyang ipinanukala ang nasabing ordinansa dahil sa mga nakukuha niyang impormasyon na maraming mga sanggol ang hindi nabibigyan ng breast milk dahil na rin sa nahihirapan ang ilang mga ina na magkaroon ng breast milk.
Ayon kay Chan, nararapat na mabigyan ng gatas mula sa ina ang isang sanggol hanggang sa 1000 days nito para mas malusog ang isang sanggol.
Kaugnay nito, sinabi ni Chan na sinang-ayunan naman ito ng konseho ng Tuguegarao kung kaya’t kanila nang pinag-aaralan ang nasabing ordinansa.
Naniniwala rin si Chan na mabibigyan ng pondo ang naturang ordinansa dahil kakailanganin ito ng bawat ina na at mga sanggol.
Bilang hakbang, sinabi ni Chan na magsasagawa ang kanilang hanay ng information dissemination sa bawat mga magulang maging sa mga ospital ang kahalagahan ng breast milk sa mga sanggol.