TUGUEGARAO CITY- Umaasa ang mga board members ng Cagayan na sana ay magtutuloy-tuloy na ang pagkakasundo ng executive at legislative department ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Ito ay matapos na nagkamayan sina Governor Manuel Mamba at Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, Jr. sa flag raising ceremony kaninang umaga.

Kaugnay nito, sinabi ni Vargas na ang kanyang pagdalo sa flag raising ceremony ay simbolo ng pagkakaisa.

Kasabay nito, nanawagan siya sa mga lider at mga mamamayan para sa lalo pang pag-unlad ng ating lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Vargas

Samantala, matapos na aprubahan ang nasa P5m supplemental budget para sa mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan ay pinuri ng mga bokal ang pagkakasama ng pagpapailaw sa Buntun Bridge sa Tuguegarao City at Magapit bridge sa Lallo sa budget para sa susunod na taon.

Sinabi ng ilang bokal na ito ay pagpapakita na patungo ang lalawigan sa mas maliwanag na hinaharap.

Ito ay kasunod nang kamayan nina Vargas at Mamba.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Vargas na ang pagkakapasa ng supplemental budget ay dumaan sa proseso.

Idinagdag pa ni Vargas na hinihintay na lang nila kung kailan ang isasagawang executive at legislative meeting para maisumite na rin nila ang proposed budget para sa 2020 sa October 16, 2019.