TUGUEGARAO CITY- Pinawi ni Dr. Arnulfo Perez, head ng Veterinary Office sa Cagayan ang pangamba na African swine fever ang dahilan ng pagkamatay ng 10 baboy sa Lasam, Cagayan.
Sinabi ni Perez na sa ginawang pagsusuri sa mga namatay na baboy, respiratory disease dahil na rin sa pabagobagong panahon.
Iginiit ni Perez na malayo sa signs and symptoms ang ikinamatay ng mga nasabing baboy.
Sinabi pa ni Perez na ginagamot na rin ang iba pang mga baboy na may sakit.
Kaugnay nito, nanawagan si Perez sa publiko na iwasan ang magpakalat ng mga maling impormasyon ukol sa mga namamatay na baboy na dahil umano sa ASF.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon sa kanya, lalong magdudulot ito ng pagkaalarma sa mga mamamayan.