TUGUEGARAO CITY- Hindi umano ang bilang ng mga nagkasakit ng dengue ang alarming sa Tuguegarao City kundi ang bilang nga namatay ngayong taon.
Sinabi ni Dr.James Guzman, city health officer ng Tuguegarao na mababa ang dengue cases sa lungsod ngayong taon na 357 subalit walo na ang namatay kumpara sa mga nakalipas na taon.
Dahil dito, sinabi ni Guzman na mas malala ang sakit na dengue ngayon.
Sinabi ni Guzman na ang mga namatay ay mula sa Buntun na dalawa, Bagay, Balzain, Cataggaman Pardo at Tanza.
Idinagdag pa ni Guzman na ang mga dengue hot spots naman na mga barangay ay ang San Gabriel, Carig Sur, Ugac Norte at Sur, Cattagaman Nuevo, Caggay, Tanza, Pengue Ruyu at Centro 10.
Dahil dito, sinabi niya na mas pinaigting pa nila ang kanilang information dessimination ukol sa paglaban sa sakit na dengue.