TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma ng isang Iraqi National na ligtas ang mga manggagawang Filipino sa Iraq kasunod ng tensyon sa pagitan ng IrAn at Amerika.
Sa naging panayam kay Rzgar Osman isang Iraqi National, ito’y matapos humina ang tensyon ng dalawang bansa kung ikukumpara nitong nakalipas na araw.
Sakabilang banda, ikinatuwa umano ng mga Iraqi National ang pagpatay ng Amerika kay Iranian Gen. Qassem Soleimani.
Ayon kay Osman, kinatatakutan nila si Soleimani dahil naghahasik ito ng kaguluhan at nagpo-promote rin ng bombing.
Aniya, naging tahimik na ang kanilang lugar mula ng mamatay si Soleimani.
Sinabi ni Osman na matagal nang magkaaaway ang USA at Iran ngunit lumala lamang ang tensyon dahil sa pagpatay kay Soleimani.
Samantala, bagamat ligtas, hindi pa rin maiiwasan ng ilang Pinoy sa Qatar na mag-alala dahil sa girian ng Amerika at iran.
Ayon kay John mayrick Udanga, manggagawa sa Qatar na tubong Tuguegarao city, maayos at tahimik ang kanilang kalagayan sa ngayon.
Nagbigay na rin aniya ang embahada ng Pilipinas sa Qatar ng mga hotline na kanilang kokontakin kung magkakaroon ng kaguluhan.
Si Udanga ay magta-tatlong taon nang nagtatrabaho sa Qatar.