TUGUEGARAO CITY- Humihingi ng paumanhin si Edward Cabase, director ng Land Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 2 sa nangyaring sunog sa kanilang impounding area sa Carig Sur.
Kinumpirma ni Cabase na 13 ang nasunog na mga bus na na-impound sa lugar.
Gayonman, sinabi ng opisyal na hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kung saan nagmula ang sunog.
Idinagdag pa ni Cabase na hindi rin nila matukoy pa sa ngayon kung magkano ang halaga ng mga nasabing bus.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi ni Cabase na ang mga nasabing bus ay deklarado ng pagmamay-ari ng gobyerno sa pamamagitan ng isang resolusyon matapos na mabigo ang mga may-ari na bus companies na bawiin ang mga ito.