TUGUEGARAO CITY-Hinihintay na lamang ang approval ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan para masimulan ang pagkokongkreto sa mga kalsada sa bawat Barangay sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Engr. Francisco Lingan, Head ng Infrastructure Project ng LGU Tuguegarao, nasa 76 kalsada ang agad na maisasaayos o sesementuhin kapag naaprubahan na ito ng SP.

Aniya, isa ito sa mga programa ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano kung saan mayroon itong pondong umaabot sa P200milyon.

Bukod dito, sinabi ng Lingan na gumagawa na rin sila ng master plan para maisaayos ang mga drainage canal sa lungsod.

Isa sa problema ng lungsod ang hindi maayos na daluyan ng tubig lalo na sa tuwing tag-ulan kung kaya’t kanila nang pinag-aaralan ang pagsasaayos ng drainage canal.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tinitignan na rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang mga kalsadang pribado na gawing Brgy Road para ito’y maisaayos at makapagbigay ng ginhawa sa mga motorista.