TUGUEGARAO CITY- Pinalawig ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang pagkuha at renewal ng business permit.
Sinabi ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman, inaprubahan ng city council ang kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano na palawigin ang filing hanggang sa February 15, 2020 na magtatapos na sana ngayong araw.
Dahil dito, mananatili din ang Business One Stop Shop sa city hall.
Sinabi ni De Guzman, na layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makakuha at makapagrenew ng business permit dahil sa dami ng investors sa lungsod.
-- ADVERTISEMENT --