
Nagbabala ang United Nations sa tumitinding pangamba sa kaligtasan ng mga sibilyan kasunod ng panibagong palitan ng pag-atake ng Estados Unidos at Iran.
Ayon sa Iranian authorities, 18 katao ang nasawi at 108 ang nasugatan sa mga pag-atake ng US sa Iran. Kabilang dito ang apat na nasawi at 67 nasugatan nang tamaan umano ang isang wedding ceremony malapit sa Strait of Hormuz.
Kinondena ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang mga pag-atake laban sa mga sibilyan at nanawagan ng agarang pagtigil sa labanan. Samantala, patuloy na nagpalitan ng missile at drone attacks ang Iran at US, na nagdudulot din ng pangamba sa seguridad at suplay ng langis sa rehiyon.




