Hinamon ni DOTr Secretary Vince Dizon ang Land Transportation Office (LTO) na ipalabas ang mga plaka sa loob ng 72 oras.

Itoy matapos batikusin ang mabagal na pamamahagi ng license plates sa una niyang conference bilang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon pa kay Dizon, inaasahan din niyang matutugunan ng LTO ang backlog issue na nagsimula noong 2014, partikular para sa motorcycle plates.

Giit ni Dizon, magkakasa siya ng deadline para makamit ito ng LTO.