TUGUEGARAO CITY-Pinuri ni Tuguegarao City Vice mayor Bienvenido De Guzman ang ilang tricycle drivers ng lungsod na unang nabigyan ng pagkikilala dahil sa kanilang pagiging tapat sa serbisyo.
Ayon kay De Guzman, magsilbi umanong maging modelo ang mga pinarangalang drivers sa kanilang mga kapwa drivers.
Aniya, pagpapakita lamang umano ito , na kahit may mga negatibong komento sa mga tricycle drivers ay marami parin ang mga “Honest Tricycle” drivers.
Kaugnay nito, sinabi ni De Guzman na patuloy umanong pinag-aaralan ng local Government Unit(LGU) tuguegarao ang mga paraan kung paano mahikayat ang iba pang tricycle drivers na maging tapat.
Sinabi ni De Guzman na ilan umano sakanilang naiisip ay ang paglalagay ng “Seal of Honesty” sa tricycle ng mga tricycle drivers para makita ng publiko kung sino ang mga drivers na tapat at hindi nang aangkin ng mga naiiwang gamit ng kanilang mga pasahero.