TUGUEGARAO CITY-Gagawing prayoridad ng Local Government Unit(LGU)-Tuguegarao ang pagpapatayo o paglalagay ng Septage Management System sa mga drainage canal sa lungsod.

Una rito, hiniling ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa mga miembro ng konseho na gumawa ng ordinansa na naglalayong gumawa ng septage management system kung saan ito ay lusot na sa unang pagbasa ng konseho.

Ang Septage Management System ay sasala sa maruming tubig na mula sa mga kabahayan na dumederetyo sa ilog.

Ayon kay City Councilor Atty. Reymund Guzman, chairman ng Committee on Laws, layon nitong muling buhayin ang kalinisan ng Pinacanaun River na una nang naideklarang polluted dahil sa maruming tubig napupunta dito.

Kaugnay nito,sinabi ni Guzman na bago ang iba pang hakbang ay magsasagawa ang kanilang hanay ng public hearing.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ni Guzman na kasalukuyan na rin nilang pinag-aaralan ang naturang ordinansa para agad maaprubahan at mabigyan ng pondo.