TUGUEGARAO CITY- Suportado ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang paglikha ng Department of Disaster Resilience na hiwalay sa National Disater Risk Reduction Management Council.

Sinabi ni Atanacio Macalana, head ng PDRRMO na sa pamamagitan ng hiwalay na departamento ay magkakaroon ito ng full authority sa pagpapatupad ng mga programa at mga aktibidad sa pagtugon sa mga kalamidad.

Bukod dito, sinabi niya na mapaglalaanan din ng sapat na pondo ang hiwalay na departamento na magagamit sa preparasyon, monitoring, implementasyon at evaluation sa disaster at climate resilience.

Ang NDRRMC kasi ay nasa ilalim ng Department of National Defense.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Macalan

Gayonman, sinabi ni Macalan na kailangan ding pag-aralan ang implementasyon nito.

Ayon sa kanya, mas mainam gawin na itong batas at ang pamamahala ay sa ilalim ng mga local chief executives.

Sinabi niya na sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang aksion dahil sa ang mga LCE ang nakakaalam sa sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan sa panahon ng kalamidad.

muli si Macalan