Mas determinado pa sa ngayon sa pagsusulat ng maraming kanta ang hinirang na kampeon ng 3rd National Bombo Music Festival 2020 nitong Sabado ng gabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, inihayag ni Jhanniel Alvarado na magandang simula ang nakamit na tagumpay upang makagawa pa ng mas maraming kanta, kasama ang kanyang pinsan na si Dave Alvarado na co-composer niya sa awiting “Vows”.

Kasabay ng pagbubunyi ang pasasalamat sa proyektong ito ng Bombo Radyo Philppines na nagsilbing tulay para maipakita nila sa publiko ang talento sa mga nilikhang kanta.

Ayon kay Jhanniel, nabuo ang winning piece na “Vows” nang mag-jamming sila ng kanyang pinsan na mula Zamboanga City.

Dagdag pa niya na magagaling ang 12 finalist sa BMF 2020 at lahat ay deserving na manalo.

-- ADVERTISEMENT --

Inuwi nina Jhannel at Dave, bilang kampeon ang cash prize na P275,000 at trophy.

Tinanghal na first runner-up ang kantang “I’ll Be Right By Your Side” na kinatha nina Bolaño at Armada, na pinagkalooban ng P200,000 at trophy.

Nakuha naman ng kantang “LDR” ni Fuentes ang second runner-up at tinanggap niya ang P150,000 at trophy.

Hindi naman umuwing luhaan ang iba pang mga finalist dahil nakatanggap rin sila ng P75,000 bilang consolation prize.

Ginanap ang Bombo Music Festival 2020 sa West Visayas State Univesrsity Cultural Center, Ilo-ilo.