Nagpapatuloy ngayon ang paglilipat sa mga evacuees na unang inilikas sa pag-alburoto ng bulkang Taal.
Ayon kay B/Gen Kit Teofilo, commander ng Joint Task Force Group Taal na sakop nito ang mga evacuees na nasa 14 kilometer danger zone batay sa naging rekomendasyon ng Philvocs at DSWD.
Ayon kay Teofilo, nananatili ang banta ng bulkan tulad ng mga nararanasang pagyanig na posibleng magpalala sa phreatic eruption.
Base sa monitoring ng Phivolcs, may mga ipinakikita pang aktibididad sa ilalim ng Bulkang Taal na maaaring humantong sa ganap na pagsabog nito.