Isinusulong sa konseho ng Tabuk City, Kalinga ang pag-amyenda sa curfew hour at oras ng pagsasara ng mga videoke bars.
Sa proposed amendment ni Association of Barangay Captains o ABC President at ex officio city councilor Atty Henry Tubban Jr., mula alas 12:00 ng hatinggabi, nais niya itong gawin na hanggang alas 10:00 na lamang ng gabi ang mga videoke bars.
Pagmumultahin ng P2,500 o makukulong ng hanggang anim na buwan depende sa desisyon ng korte ang mga lalabag habang kanselasyon ng permit ng mga negosyante kung paulit-ulit ang paglabag sa isinusulong na ordinansa.
Nakasaad sa panukala na pangunahing layunin ng pag-amyenda na masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapreserba ang maayos na relasyon ng bawat pamilya dahil obligado ang mga ito na uuwi ng maaga o bago maghatinggabi.
Sinabi ni Public Order and Sacety officer Dionisio Falgui III na nangungunang dahilan ng mga aksidwmte sa lansangan lalo na sa gabi ay dahil sa nakainom ng nakalalasing na inumin habang nagmamaneho.
Ipinanukala rin na gawing alas diyes ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw ang curfew sa mga nasa wastong gulang habang alas nuwebe ng gabi hanggang alas singko ng umaga para sa mga menor de edad para maiwasan amg krimen na sangkot ang mga kabataan.
Kung mahuling lumabag ang isang menor de edad ay ikukustodiya ito ng mga pulis sa police station hanggag matapos ang curfew hour habang isasailalim sa community service bilang parusa ang mga paulit ulit na paglabag.
Pinuri naman ito ng PNP Tabuk dahil malaking tulong ito para masolusyunan ang mga krimen na nangyayari sa naturang lungsod.