Ipapagpatuloy ang nasimulang mahigit dalawang dekada na pagmomonitor ng Balyena Organization
sa mga Humpback whales.
Ayon kay Dr.Jo Marie Acebes, founder at principal investigator ng Balyena Organization, magfofocus ang kanilang proyekto sa mga coastal areas ng Sta.Ana at Palaui Island.
Magmomonitor aniya ang mga ito kung saan sasakay sa bangka at hahanapin ang mga balyena saka kukunan ng mga litrato na paraan para mamonitor ang mga ito.
Bahagi rin ng kanilang proyekto ay ang pagkaroon ng information dissemination o educational outreach sa mga eskwelahan at coastal municipalities lalo na sa Sta.Ana at karatig na mga munisipyo sa coastal areas sa Ballesteros at Gonzaga.
Layunin nito na mapalawig pa ang kaalaman ng mga mamamayan pagdating sa balyena pati na rin ang buong habitat ng mga ito.
Bukod dito ay hahanapan rin ng paraan kung ang pinakamaganda na magagamit na instrumento para maprotektahan ang babuyan marine corridor.
Magsasagawa rin ng training para sa mga residente ng Sta.Ana para makatulogn sa pagdevelop ng kanilang maliliit na enterprise.
Ang nasabing proyekto ay magsisimula ngayong buwan at magtatapos hanggang June 2026.