TUGUEGARAO CITY- Malaking kawalan umano sa mga environmental activists ang pagpanaw ni dating DENR Secretary Gina Lopez.

Gayonman sinabi ni Jayvee Garganera, national coordinator ng “Alyansa Tigil Mina” na tuloy ang kanilang advocacy na paglaban sa pagmimina sa bansa nma pinalakas ni Lopez noong siya ay nabubuhay pa.

Ayon sa kanya, nakakalungkot man na wala na si Lopez na matinding lumalaban sa pagmimina at pangangalaga sa kalikasan ay magsisilbi umano siyang inspirasyon.

Idinagdag pa ni Garganera na ang hindi nila makakalimutan na karanasan kay Lopez ay ang kanyang pagiging energetic at masipag.

ang tinig ni Garganera

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Garganera na matagal nilang nakasama si Lopez buhat noong 2011 nang nilalabanan ang pagmimina sa Palawan.

Ayon sa kanya, naging passionate si Lopez na pag-aralan ang mga mining issues nang patayin si Gerry Ortega,environmental activist at journalist.

Dito na aniya nagsimula ang pangangalap ng isang milyong pirma laban sa pagmimina na umabot sa 10 milyon.

Idinagdag pa ni Garganera na personal din na tinignan ni Lopez ang black sand mining noong dito sa Cagayan at ang mining sa Nueva Vizcaya.

Umaasa si Garganera na mananatili ang mga alaala ni Lopez lalo na ang kanyang pagmamahal sa ating kalikasan.