Igiiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Representative Arlene Brosas sa Marcos Jr. administration na payagan ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang posibleng paglabag sa karapatang pantao ng ipinatupad na war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hiling ito ni Brosas sa gobyerno kasabay ng ginagawang imbestigasyon ng Kamara sa umano’y mga extra judicial killings o EJK sa ilalim ng implementasyon ng drug war.

Ayon kay Brosas, hindi sapat ang mga pagdinig ng House Committee on Human Rights para mabigyan ng hustisya ang libu-libong nasawi sa ilalim ng giyera kontra iligal na droga.

Samantala, sa pagdinig ng Kamara ay pinagsabihan naman ni Committee Chairman Bienvenido Abante Jr. ang mga pulis na itigil ang pagkuha ng larawan sa mga biktima ng EJK.

Binalaan pa ni Abante ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), na ipapa-contempt kapag hindi tinantananan ang pag-picture sa pamilya ng mga EJK victims na humaharap sa pagdinig.

-- ADVERTISEMENT --

Muli tiniyak ni Abante na poprotektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga biktima at testigo sa EJK.