Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalakas sa produksyon ng gatas ng mga dairy animals sa bansa na 99% na nakadepende sa importasyon sa New Zealand, United States at Australia.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Ruberto Busania ng DA-RO2 na bagamat mataas ang demand ng gatas sa bansa subalit kulang naman ang loakal na produksyon upang suplayan ang pangangailangan sa merkado.

Kaugnay ng pagnanais ng bansa na mapababa ang importasyon ng gatas na makatutulong sa dagdag kita ng mga magsasaka, isinusulong ng DA ang breeding o pagpaparami sa mga dairy animals sa pamamagitan ng artificial insemination.

Tinututukan din ng pamahalaan ang importasyon ng mga baka o kalabaw upang mapalago ang cattle population na magpapalakas sa milk production.

Iminungkahi din ni Busania ang kahalagahan ng mga dayami o pinaggapasan ng palay bilang mahusay na pakain sa mga alagang dairy animals na magpapabuti sa kalidad at dami ng gatas na maibibigay ng hayop.

-- ADVERTISEMENT --