Ipinagpaliban ng National Irrigation Administration (NIA) MARIIS – Dam and Reservoir Division ang nakatakdang pagbubukas ng Magat Spillway gate na itinakda sana kahapon.
Ayon kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA MARIIS, batay sa kanilang monitoring ay minimal lamang ang naitalang pag-ulan sa watershed area.
Bumaba na rin aniya ang water elevation sa dam nang hanggang 184.27 meters above sea level mula alas 7:00 kagabi na malayo pa aniya sa Normal High Level na 190 meters above sea level.
Sinabi ni Ablan na ang pagpapagamit umano ng inflow sa power generating company ay nakatulong para maibaba sa ligtas na lebel ang tubigsa Magat reservoir.
Gayunpaman ay hindi nila tinatanggal ang posibilidad ng pagpapakawala ng tubig sa dam lalo na kung tataas ang lebel ng tubig sa Magat Reservoir.
Tinitiyak ng NIA na ang kaligtasan ng mga komunidad sa ibaba ng dam at ang integridad ng Magat Dam ang kanilang pangunahing prayoridad.