Muling ipinagpaliban ng pamunuan ng Magat Dam ang pagbubukas ng spillway gate ng dam na nakatakda sana ngayong umaga ng Linggo, January 8, 2023.

Kahapon ay nauna ng ipinagpaliban ang pagpapakawala sana ng tubig ng alas-4:00 ng hapon.

Sa panayam mng Bombo Radyo, sinabi ni Engr. Gileu Michael Dimoloy, department manager ng NIA-MARIIS na batay sa kanilang monitoring ay humina ang tinatayang dami ng ulan sa watershed areas na dala ng northeast monsoon.

Ang inflow o ang pumapasok na tubig sa Magat dam ay tama lamang sa pagpapagamit sa power generation at irrigation na nakatulong upang mapanatili sa ligtas na lebel ang tubig ng dam.

Kaugnay nito, pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling umantabay sa mga susunod na pabatid ukol sa kalagayan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, bumaba na ang antas ng tubig sa Buntun Bridge na mas mababa na sa warning level na 8 meters nitong umaga ng Linggo.

Bagamat hindi nagpakawala ng tubig ang Magat dam, ang pag-apaw ng ilog Cagayan at pagbaha sa mga low lying areas ay dahil sa pagbaba ng tubig na dulot ng mga pag-ulan sa upper stream ng Cagayan Valley.