Pinag-aaralan ng Palasyo ang posibilidad na palawigin pa ang PhilHealth benefits and packages para sa mga kabilang sa middle class.

Kaugnayan nito, inatasan ni Executive Secretary Ralph Recto ang Department of Health at PhilHealth na suriin kung paano madaragdagan ang saklaw at pakinabang ng Philippine Health Insurance para sa naturang sektor.

Layunin ng hakbang na maipakita sa middle class na may kapalit ang kanilang kontribusyon at buwis, at ang kanilang binabayaran bilang taxpayers at PhilHealth members ay nasusuklian ng makabuluhang benepisyo.

Napag-usapan ito sa pulong nina Recto, DOH Sec Ted Herbosa, at PHILHEALTH CEO Edwin Mercado.

Kasama rin sa tinalakay ang patungkol sa Zero Balance Billing na dapat daw ay maramdaman ng mga Pilipinong nais na maka- avail sa naturang programa.

-- ADVERTISEMENT --