Nais umanong makipag-usap si VP Sara Duterte kay dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa depensa nito sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Tinanong si Sara, na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands, tungkol sa pagpapalit ng kanilang pamilya ng abogado para sa kanilang ama.

Bago ito, sinabi ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na kayang lumahok ni Duterte sa pre-trial proceedings sa mga kasong crimes against humanity dahil sa mga pagkamatay sa war on drugs noong siya ay Pangulo.

Itinakda ng ICC ang confirmation of charges ni Duterte sa Pebrero 23 at tinanggihan ang kanyang hiling na indefinite adjournment.

Ayon kay abogado Nicholas Kaufman, plano nilang i-apela ang desisyon.

-- ADVERTISEMENT --