Tuguegarao City- Malaking hamon umano ang pagpapaliwanag sa mga tumututol kaugnay sa planong dredging operation sa Cagayan River upang malinis at maisaaayos ang daloy ng tubig.
Ito ay sa gitna pa rin ng pagsulong sa operasyon bilang bahagi na ng pagbukas o pagbuhay ng port of Aparri na makakatulong umano sa pag-unlad ng kalakalan sa probinsya.
Kaugnay nito pinawi ni Edwin Jesus Buendia, Detailed Quarry Chief ang pangamba na black sand mining ang isasagawa sa nasabing lugar dahil tanging dredging lamang ang layunin ng proyekto.
Maalalang una ng nagsagawa ng virtual public hearing ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan katuwang ang iba pang concerned agencies upang ipaliwanag ang nasabing usapin.
Sinabi pa niya na sa oras na maumpisahan ang dredging operation ay magiging maganda ang resulta sa pagbabalik ng port of Aparri na maaaring daanan ng mga mangangalakal patungong Cagayan.
Bumuno na aniya ang Cagayan Provincial Government ng technical working group upang magmonitor at matiyak na legal ang gagawing operasyon sa ilog.
Tiniyak naman nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin para sa mga mag-aaply na negosyante na gagawa ng naturang operasyon sa ilog na sakop pa rin ng Cagayan.