Nakatakdang maglunsad ng Ibanag Canto knowledge transfer activity ang Cagayan State University (CSU), sa suporta ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa Peñablanca, Cagayan sa darating na Disyembre.

Sa isinagawang Media Campaign for the Popularization of the Ibanag Canto, sinabi ni Dr. Jan Justin Rodriguez, Assistant Professor sa Cagayan State University Carig Campus, layon nitong mas palawigin ang pagsasanay at pag-unawa ng mga cantori at lokal na komunidad sa kahalagahan ng Ibanag Canto.

Aniya, aabot sa P300,000 mula sa NCCA ang nakalaan para sa proyektong nakatuon sa preservatory phase, popularization campaign, at cultural education.

Sa pamamagitan ng programang ito, umaasa ang CSU at NCCA na hindi lamang mapreserba kundi muling mapalaganap at maipamana ang Ibanag Canto bilang isang buhay at mahalagang pamanang kultural ng Cagayan Valley.