TUGUEGARAO CITY-Pursigidong itulak ni Senador Bong Go ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong sahuran ang mga Barangay officials kasama na ang mga SK officials.
Sinabi ni Sen. Go na tatalakayin sa kongreso kasama ang Department of Budget and Management ang panukalang Magna Carta for Barangay Officials kung magkano ang pondo na ilalaan dito.
Ayon sa kaniya na habang wala pang pondo ay kinausap umano niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung kayat nakatanggap ang mga ito ng insentibo nitong nakalipas na taon.
Aniya, mahalaga at kritikal ang papel ng mga SK at barangay officials sa paghahatid ng serbisyo sa tao na nagsisilbing frontliners lalo na umano sa kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.
-- ADVERTISEMENT --