Aprubado na sa pinal na pagbasa ng konseho ng Tuguegarao ang ordinansang naglalayong bigyan ng otoridad si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na ipasara ang ilang bahagi ng Don Domingo road sa lungsod.
Ito’y para gagamiting pansamantalang pwesto ng mga ambulant vendors na nakatakdang papaalisin sa palibot ng Tuguegarao commercial center.
Ayon kay Vice Mayor Bienvenido De Guzman , kung mapipirmahan na ni Mayor Soriano ang nasabing ordinansa ay agad itong ipapatupad.
Aniya, layon ng nasabing ordinansa na mabigyan ang mga ambulant vendors ng magandang pwesto habang inaayos ang Don Domingo market.
Sinabi ni De guzman na sisiguraduhin ng kanilang opisina na mabibigyan pa rin ng pwesto ang mga ambulant vendors sa kabila ng mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga pangunahing daan sa lungsod at sa mga bayan.