Tugeuagarao City- Pormal na pinasinayaan ang Small Water Impounding Project (SWIP) para sa mga magsasaka ng Brgy. Capalutan, Allacapan, Cagayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Department of Agriculture Sec. William Dar kasama ang mga kawani ng DA Region 2 sa pamumuno ni Director Narciso Edillo at iba pang mga concerned agencies kasama na ang mga benepsisyaryo ng proyekto.
Ang proyektto ay pinondon ng P24M kung saan sinimulan ang konstruksyon nito noong March 2019 at inaasahang magtatapos sa November 2020.
Aabot naman sa 100 ektarya ng sakahang palay kayang masaklawan ng SWIP at 75 na mga magsasakang kabilang sa “Arapaap Small Water Irrigators System Association” ang maseserbisyuhan nito.
Sinabi ni Sec. Dar na sakaling madagdagan pa ang pondo ng ahensya sa susunod na taon ay bibigyang pansin pa ng DA ang pagtatayo ng mga SWIP sa bansa.
Ayon pa sa kalihim, makakatanggap din ang mga magsasaka ng binhi at iba pang inputs para sa Rice, High Value Crop at Livestock na nagkakahalaga ng P10.9M.
Sinabi naman ni Mayor Harry Florida na malaking tulong ito sa mga magsasaka ng Allacapan dahil nakasentro sa pagsasaka ang kabuhayan ng maraming residente.
Giit nito ay matagal na rin umanong inaasam ng mga magsasaka ang nasabing proyekto na makatutulong ng malaki sa kanilang mga pagsasaka.
Makakatulong ang SWIP sa mga magsasaka lalo na sa mga rain-fed areas dahil madali lamang silang magkakaroon ng tubig na hindi na magdedepende sa ulan.
Sa ngayon ay nasa pitong SWIP na umano ang natapos ng DA Region 2 sa bayan ng Allacapan habang kasalukuyang ginagawaang isa sa Brgy Capagaran na mapapakinabangan ng nasa 25 magsasaka.