Ang maging mapagpatawad, bukas-palad, at mapagmahal sa kapwa ay kabilang sa naging sentro ng Christmas message ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay VP Sara, ang kapanganakan ng Panginoon ay isang mensahe ng kapatawaran at walang kapantay na pag-ibig ng Diyos sa lahat.

Aniya, dapat din gamitin ang halimbawa ng Lumikha bilang inspirasyon sa pakikipag-kapwa, lalo na sa pamilya at sa mga mahal sa buhay.

Hinimok din ng pangalawang pangulo ang bawat isa na maging mapag-unawa, marespeto, at mapagmahal sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at may mga karamdaman.

Sinabi pa ni VP Sara na ang diwa ng Pasko ay hindi lamang dapat manaig sa buwan ng Disyembre, kundi sa lahat ng araw.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaabot din ng pangalawang pangulo ang kanyang pagbati sa bawat Pilipino sa loob at labas ng bansa.