TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang Local Government Unit (LGU) Tuguegarao na magiging positibo ang tugon ng Department of Public Works and Highways (DPWH)Central Office sa kahilingang magpatayo ng panibagong tulay sa Pinacanauan river sa lungsod.
Kaugnay nito, posibleng personal na ipapaabot ng ilang LGU officials ang naturang resolusyon sa opisina ni DPWH Sec. Mark Villar.
Una rito, nagpasa ng resolusyon ang mga miembro ng city council na pinirmahan ni Mayor Jefferson Soriano na naglalayong hilingin sa opisina ni Villar na maglaan ng pondo para sa panibagong tulay.
Layon nitong mapabilis at mapagaan ang byahe ng mga motorista sa tuwing tumataas ang lebel ng tubig sa naturang ilog.
Nabatid na kapag tumataas ang lebel ng tubig ay hindi na maaring daanan ang pinacanauan bridge kung kaya’t kailangan pang dumaan ang mga motorista sa bahagi ng Peñablanca, Cagayan.