TUGUEGARAO CITY- Sisimulan na ang pagpapatayo sa bagong Don Domingo public market sa Tuguegarao City kasunod ng groundbreaking kahapon.

Kaugnay nito, sinabihan ni Mayor Jefferson Soriano ang City Engineering Office na bantayan ang konstruksion ng public market upang matiyak ang maaayos na paggawa ng proyekto.

Umapela din si Soriano sa contractor ng proyekto na tapusin ito sa loob ng 24 buwan batay sa nakasaad sa kontrata at tiyakin na hindi ito magiging substandard.

Sinabi ni Soriano na ang pagpapatayo ng bagong public market sa Don Domingo ay para matanggal ang turing dito ng Department of Environment and Natural Resources na isa ito sa pinakamarumi na palengke sa buong bansa kasama ang Baguio public market.

Ayon sa kanya, nakakahiya na rin sa mga bisita ang nasabing palengke.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na mahigit sa P400m ang halaga ng nasabing proyekto.