TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mipatutupad sa susunod na planting season ang National Fertilizer Support Program ng pamahalaan dahil may go signal na dito si Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol , mayroon na umanong alok ang bansang Russia na isa sa mga producers ng fertilizer para suportahan ang fertilizer program ng pamahalaan.

Paliwanag ng kalihim ,ibibigay ang naturang abono sa mga kwalipikadong magsasaka sa mas mababang halaga,babayaran pagkatapos ng anihan na walang interes

Aniya, ang mga kwalipikado sa naturang programa ay miembro ng irrigators association,Small Water Irrigation System Association (SWISA) at individual farmers.

Sinabi ni Piñol na kasama umano ang Cagayan at Isabela sa mga lugar na makikinabang sa naturang programa dahil mataas na umano ang level ng skills sa pagsasaka sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, magkakaroon din umano ng sariling data ang ahensiya ukol sa area ng bawat sinsaka ng isang magsasaka para hindi sobra o kulang ang ibibigay na abono