TUGUEGARAO CITY – Ipinaliwanag ni Edmund Pancha, information officer ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na ang ipapatupad na “no helmet,”no travel policy”na magsisimula sa July 1, 2019 ay base sa nationa law o ang Republic Act 10054 o ang Motorcycle Helmet Act.

Sinabi ni Pancha na ipinag-utos ito ni Mayor Jefferson Soriano matapos ang isinagawang pulong kung saan iprinisinta ng PNP,Traffic Manegement Group,City Disaster Risk and Reduction Management Office at command center na marami pa rin ang mga aksidente sa lansangan kung saan ang ibang biktima ay binabawian ng buhay dahil sa walang helmet partikular ang mga nagmomotorsiklo.

Dahil dito, sinabi ni Pancha na lahat ng nakapaloob sa nasabing batas ay kailangan na masunod ng mga gumagamit ng mga motorsiklo.

Sinabi niya na ito ay dahil sa wala pang local ordinance ukol dito bagamat may nakabinbin umano na panukala sa konseho ukol sa safety measures sa lansangan.

tinig ni Pancha

Sa ilalim ng batas,ang multa sa first offense ay P1,500,P3,000 sa second offense,P5,000 sa third offense at P10,000 kasama na ang confiscation ng driver’s license para sa ika-apat at mga susunod pang paglabag.

-- ADVERTISEMENT --