Tuguegarao City- Tiniyak ng Baggao COMELEC Office ang mahigpit na pagpapatupad ng mga minimum health standard kasabay ng muling pagbubukas ng voter’s registration kahapon Sept. 1, 2020.

Sinabi ni Rigor Salvador, Election Officer ng Baggao, mahigpit na ipinatutupad ang pagdadala ng sariling ballpen ng mga nais magrehistro.

Dagdag pa aniya rito ang paggamit ng face mask/shield, social distancing, paglalagay ng foot bath at iba pa.

Ayon kay Salvador ay mayroon lamang 13 na naitala ang kanilang tanggapan na nagparehistro kahapon.

Ayon sa kanya ay aabot sa 43,555 ang registerd voters sa kanilang bayan at aasahang madaragdagan pa ito hanggang sa matapos ang registration sa susunod na setyembre 2021.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat niya ang mga residente na magdownload na rin ng registration form sa kanilang website na www.comelec.gov.ph upang mapabilis ang kanilang pagrerehistro.

Bukas aniya ang kanilang tanggapan sa mga araw ng Martes hangang Sabado at holidays mula 8am-3pm.

Tiniyak niya na laging silang magsasagawa ng disinfection sa kanilang tanggapan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa ngayon ay pansamanyala aniya muna nilang sinuspindi ang pagsasagawa ng satellite registration bilang pag-iingat pa rin virus bunsod ng banta ng COVID-19.