ctto

Tuguegarao City- Hiniling sa Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan ang pagtulong upang mapauwi ang mga Cagayanong naapektohan ng lockdown sa ibang mga lugar bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay 3rd District Board Member Mila Lauigan, marami sa ating mga kababayan ang humihingi ng tulong upang makauwi mula sa iba’t-ibang mga lugar.

Dahil dito, umapela ang opisyal kay Cagayan Governor Manuel Mamba na kung maaari ay maglaan sana ng pondo upang tulungan ang mga na- stranded na mga manggagawa at mga estudyante na nais makauwi sa Cagayan

Paliwanag nito, katulad ng ginawa sa mga nagsiuwiang OFWs ay kailangan lamang nilang dumaan sa mga pagsusuri at sumunod sa panuntunan

Kaugnay nito, kailangan lamang aniya ang magandang koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa Regional Inter-Agency Task Force ng probinsya sa ibang mga lalawigan upang matukoy kung sino ang mga dapat mapauwi.

-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan naman si Gov. Mamba na delikado ang pagpapapasok na mga stranded na indibidwal na galing sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 confirmed cases at nasa ilalim ng ECQ.

Inihayag pa ng gobernador na wala ring sapat na pasilidad para sa isolation areas sakaling payagang umuwi lahat ng stranded mula sa iba’t ibang lugar.

Samantala, tinatayang aabot naman sa mahigit 18k na katao na ang umuwi sa lalawigan ng Cagayan mula ng ipatupad ang lockdown sa Metro Manila.