Sisimulan ng mga cardinal ng Simbahang Katolika ang kanilang secret conclave para sa pagpili ng bagong lider ng simbahan sa May 7.
Napagpasiyahan ang nasabing petsa sa isinagawang closed-door meeting ng mga cardinal sa Vatican, ang kauna-unahan buhat noong libing ni Pope Francis.
Nasa 135 cardinals na wala pa sa edad na 80 at mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maaaring makibahagi sa botohan para sa susunod na pinuno ng Catholic Church.
Isasara ang ang 16th-century Sistine Chapel, kung saan isinasagawa ang conclave para sa bisita sa Lunes pata bigyang-daan ang paghahanda para sa pagtitipon-tipon ng mga cardinal.
Ang pinakahuling dalawangh conclave noong 2005 at 2013 ay tumagal lamang ng dalawang araw.
Subalit sinabi ng cardinal ng Sweden na posibleng mas mahaba ang conclave, dahil marami sa mga cardinal na itinalaga ni Pope Francis ay hindi pa nagkikita.