TUGUEGARAO CITY-Patay ang limang pasahero na sakay ng Titan submersible, ayon sa US Coast Guard.
Sinabi ni Rear Adm John Mauger na limang bahagi ng vessel ang natagpuan sa tinatayang 1600ft jula sa bow ng Titanic wreck.
Ayon kay Mauger, ang mga nadiskubre na debris ay consistent sa isang ‘catastrphic implosion
Sinabi niya na na-detect ng US Navy ang acoustic anomaly na pareho sa isang implosion ilang sandali matapos na mawalan ng contact ang Titan sa surface.
Ang pamilya ng ama at anak na sina Shagzada at Soleman Dawood, dalawa sa limang namatay ay nagpahayag ng kanilang matinding kalungkutan sa pangyayari.
Inilarawan naman ng pamilya si Hamish Harding, isa rin sa mga namatay sa submersible na isang ‘dedicated father’.
Matatandaan na nawala ang submersible noong Linggo matapos na maglayag para i-explore ang wreck ng Titanic.