TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma ng mga katutubong agta at kalinga sa bayan ng San mariano, Isabela ang ginagawang pagre-recruit ng mga rebeldeng New Peoples Army(NPA) para umanib sakanilang grupo.
Ayon kay Bong Soriano, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)Isabela, kabilang ito sa mga inilatag na problema ng mga katutubo sa isinasagawang kauna-unahang Indigenous Peoples Youth Summit na inorganisa ng 95th infantry battalion sa kampo ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela.
Aniya, sa pamamagitan ng pagtitipon na ito ay maitutuwid ang mga kabataang katutubo na umanib sa mga makakaliwang grupo.
Sinabi ni Soriano na makakatulong ang isinasagawang IP youth summit na nagsimula nitong araw ng Biyernes na magtatapos ngayong araw, Marso 1, 2020 na maiulat ang mga kabataan na ipaglaban ang kanilang karapatan sa kanilang ancestral domain na hindi kailangang pumasok sa makakaliwang grupo.
Kabilang kasi sa problema ng mga IPs ang pang-aagaw sa kanilang ancestral domain ng ilang malalaking tao na hindi nila napipigilan dahil sa kakulangan sa kaalaman.
Kaugnay nito, tiniyak ng NCIP ang kanilang tulong sa mga naaaping katutubo.