Binigyan pa ng panahon ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na irehistro ang kanilang mga online campaign platforms (OCPs).

Sa isang memorandum, sinabi ng Comelec na ine-extend nito ang registration ng OCPs para sa huli at non-extendible period hanggang March 31, 2025, 11:59 ng gabi.

Ayon kay Comelec Task Force KKK sa Halalan Commissioner-in-Charge Nelson Celis, ang hakbang na ito ay bilang tugon sa requests ng mga stakeholders.

Mababatid na ipinatupad ang mandatory registration ng naturang mga platform upang mapagbuti ang transparency at accountability sa pagsasagawa ng digital election campaigns.