TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa ng information dissemination ang Land Transportation Office Region 2 kaugnay sa mahigpit na pagbabawal sa pagsakay ng mga tao sa likod ng pick up, elf truck, dump truck, cargo trucks at iba pang sasakyan na para sa mga goods para sa mga tao.

Sinabi ni Manuel Baricaua, administrative chief ng LTO Region 2 na ito ay bago pa man ang inilabas na memorandum order mula sa LTO na gamitin para sa mga tao ang mga nasabing uri ng mga sasakyan.

Una rito, naglabas ng memorandum order ang LTO nitong buwan ng Setyembre kaugnay sa nasabing usapin.

Ayon kay Baricaua, mayroon ding batas na nagbabawal na magkarga ng mga tao ang mga cargo trucks.

Ito aniya ay dahil sa delikado ang ganitong ginagawa ng ilang mamamayan na ginagamit ang mga nasabing sasakyan sa tuwing may pupuntahang mga aktibidad tulad na lamang sa kasalan o mga aktibidad ng mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na ilang vehicular accident na sangkot ang mga nasabing uri ng sasakyan ang naitala kung saan ilan sa mga sakay ng mga ito ang binawian ng buhay.