Ikinabigla ng ilang kongresista ang pagsibak ni Pangulong Bongbong Marcos kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Antonio Tinio, ang pag-relieve kay Torre sa puwesto ay sumasalamin sa internal conflicts sa administrasyong Marcos.

Mahigit walumpung araw lamang aniya na nanatili si Torre bilang PNP Chief ngunit hindi man lang ikinonsidera ang kanyang magandang performance.

Giit ni Tinio, ang patuloy na reshuffle at awayan sa PNP ay nagpapatunay sa lumalalang hidwaan sa gobyerno.

Binigyang-diin din ni Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila De Lima na dapat may katanggap-tanggap na dahilan ang DILG kung bakit tinanggal si Torre.

-- ADVERTISEMENT --

Malinaw umano na napulitika lang ang opisyal kung walang maibibigay na rason.

Dagdag naman ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendana, ang dapat sibakin sa puwesto ay ang mga sangkot sa maanomalyang flood control project ngunit PNP Chief ang tinanggal.