Target ng Department of Agriculture (DA) na simulan ang pagtatayo ng mga farm-to-market (FMR) road projects pagsapit ng Abril ngayong taon.

Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA), nakakuha ang DA ng alokasyong P33B para sa konstruksyon ng 2,300 kilometers na mga bagong FMRs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DA-Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) Director Cristy Polido, inaasahan din ng ahensya na masisimulan ang konstruksyon sa sandaling makumpleto na ang implementing guidelines.

Matatapos umano nila ang mga alituntunin sa Pebrero, at isusumite nila sa Department of Budget and Management (DBM).

Mula rito, maire-release na aniya ang pondo, at aarangkada na ang implementasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, sinabi ng DA na kumukonsulta na sila sa mga contractors associations para sa final costing, at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na pamahalaan upang magawa ang nasabing mga proyekto.