Magsisimula ang Holy Month ng Ramadan sa Linggo, March 2, 2025, dahil walang sighting ng crescent moon noong Biyernes, February 28, ayon kay Bangsamoro Grand Mufti and Executive Director of the Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI), Sheikh Abdulrauf Guialani.

Mahalagang aktibidad ang moon sighting, o hilal sighting, sa Islam na tumutukoy sa pagsisimula ng bagong lunar month. Sumusunod ang Islamic calendar sa cycle ng buwan, at kapag hindi naobserbahan ang crescent, nakumpleto na ang umiiral na buwan bago magsimula ang susunod.

Sa paghahanda ng Muslim community para sa banal na buwan, hinihimok ang mga mananampalataya na magsagawa ng fasting, prayer, at reflection alinsunod sa mga katuruan ng Islam.

Nagpalabas ang Office of the Chief Minister in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Biyernes ng memorandum na nagrerebisa sa regular working hours tuwing Ramadan sa 7:30 a.m. hanggang 3:30 p.m. sa halip na regular hours na 8 a.m. hanggang 5 p.m.