Nauwi sa pambubugbog at pananaga ang pagsita ng isang Barangay tanod sa naka-motorsiklong may modified muffler sa bayan ng piat, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pol. Master Sgt. Romel Basiuang ng PNP Piat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Brgy tanod Ramil Francisco nang sitahin umano nito ang dalawang apo ni Gil Carlos na naka-angkas sa motorsiklo na may maingay na tambutso.

Nagbugbugan umano ang dalawa hanggang sa tinaga ni Fransisco si Carlos na nagtamo ng sugat sa ulo na nasa maayos nang kalagayan.

Sinubukan ding umawat ni Brgy captain Jehonadab Salvador at maswerteng nakailag nang inundayan siya ng saksak ni Carlos.

Sa ngayon ay naisampa na ang kasong direct assault laban kay Carlos na nasa kostodiya ng pulisya kasama si Francisco dahil sa pananaga.

-- ADVERTISEMENT --