Nakasalalay sa sariling pagpapasya ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kung susuko siya sa mga awtoridad bago ang itinakdang deadline ng pamahalaan sa Biyernes, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon.

Sinabi ni Torreon na batid na ng senador ang mga posibleng kahihinatnan ng pagsuko o patuloy na pag-iwas sa mga awtoridad.

Samantala, naghain ang kampo ni Dela Rosa ng mosyon sa Korte Suprema upang muling pag-aralan ang nauna nitong pagtanggi sa kahilingang maglabas ng temporary restraining order laban sa pag-aresto sa senador.

Kabilang sa mga binanggit na bagong pangyayari ang pag-anunsyo ng Department of the Interior and Local Government ng ₱50 milyong pabuya para sa impormasyong makatutulong sa pagkakadakip sa senador.

Muli namang hinimok ng Malacañang si Dela Rosa na kusang sumuko, habang patuloy na pinalalakas ng Philippine National Police ang paghahanap sa kanyang kinaroroonan.

-- ADVERTISEMENT --